Ang Aking Talambuhay
Ang pangalan ko ay Angel Trisha at ako ay isinilang sa Guagua Pampanga noong Marso 5, 2005. Ang aking pagkabata ay ang pinakamasayanh mga araw para sa akin. Ang tatay ko ay nagtratrabaho bilang karpintero at ang nanay ko noon ay nasa bahay namin at nag-aalaga sa amin, ito ang pinakamagandang araw sa buhay ko dahil kumpleto kami bilang isang pamilya. Hanggang sa naghiwalay ang mga magulang ko at lumalala ang mga pangyayari. Ang aking ina ay nagtatrabaho sa ibang bansa at ang aking ama ay nagtatrabaho sa malayo sa bahay, mula noon nagsimula kaming mamuhay nang wala ang aming mga magulang sa aming tabi. Natuto kaming akuin ang buong responsibilidad sa lahat ng bagay. Ang aking ina ang sumusuporta sa amin, minsan pumupunta ang lola namin sa bahay namin para alagaan kami. Responsibilidad ng mga magulang namin, naging responsibilidad din namin, mahirap sa una pero di nagtagal nasanay na rin ako.
Comments
Post a Comment